Wn/tl/Wikipedista, pinalista sa Philippine Blog Awards

From Wikimedia Incubator
< Wn‎ | tlWn > tl > Wikipedista, pinalista sa Philippine Blog Awards
Jump to navigation Jump to search

Marso 24, 2007

Naging pinalista sa Philippine Blog Awards, sa kategoryang Sosyo-Politikal ng gawad, ang Salita Blog ng Wikipedista na si Christopher Sundita. Kasama ang blog ni Sundita sa apat pang ibang blog sa magkaparehong kategorya nito.

Ang nilalaman ng Salita Blog ay nakasulat sa Ingles at may mga tala tungkol sa iba't-ibang wika ng Pilipinas, ang paggamit nito, pinagmulan nito, at iba pang mga pangyayaring tungkol sa wika ng Pilipinas.

Ang pagbibigay ng gawad ay magaganap sa Lungsod ng Makati sa ika-31 ng Marso, 2007. Dalawa sa mga hurado nito ay pawang mga Wikipedista rin, sina Migs Paraz at Manuel Quezon III.

Wikinews
Nagtatampok ang artikulong ito ng sariling pamamahayag ng (mga) kasapi ng Wikibalita. Silipin ang pahinang pampakikipagtulungan para sa ragdag na kaalaman.