Wn/tl/UST, pasok sa Champions League Semis

From Wikimedia Incubator
< Wn‎ | tl
Wn > tl > UST, pasok sa Champions League Semis

Pinatumba ng University of Santo Tomas Growling Tigers ang kampeon sa NCAA na San Beda Red Lions upang makapasok sa semifinals ng Fil-Oil/Flying V National Collegiate Champions League (Liga ng mga Pambansang Kampeong Pangkolehiyo) noong Lunes sa San Juan Arena sa iskor na 88-84.

Humarurot ang Tigers sa ikaapat na quarter sa pangunguna nina Jervy Cruz na nag-ambag ng 21 puntos at 15 rebound, at Dylan Ababou na nagpaulan ng 17 puntos.

Nagsanib-puwersa ang dalawang Tomasino sa simula ng ikaapat na quarter at nakapagpasok ng 13 puntos upang maagaw ang lamang mula sa San Beda sa iskor na 78-77 matapos matambakan ng 61-70 bandang ikatlong quarter.

Hindi rin nayanig ang mga tuhod ni Japs Cuan sa huling 36 segundo nang nakaswak ng apat na freethrow na siyang nagpako ng kalamangan ng UST sa iskor na 88-81.

Haharapin ng Tigers and mananalo sa pagitan ng Ateneo Blue Eagles at Jose Rizal Bombers na mag-aagawan para sa huling puwesto ng semifinals sa darating na Miyerkules.

Iskor:

UST 88--Cruz 21, Ababou 17, Allera 12, Espiritu 11, Cuan 9, Mirza 7, Canlas 6, Cortez 3, Taylor 2, Basa 0, Badua 0, Gile 0, Dizon 0.

SAN BEDA 84--Escobal 22, Hermida 21, Menor 19, Ekwe 12, Gamalinda 4, Taganas 2, Marcelo 2, Lanete 2, Maggay 0.

Mga Quarter: 18-22, 47-42, 65-70, 88-84

Sanggunian[edit | edit source]