Wn/tl/Mga Emirati, binilanggo sa kasong paggahasa ng binata
Disyembre 13, 2007
Dalawang mamamayan ng United Arab Emirates ay hinatulan ng 15 taong pagkabilanggo sa Dubai pagkatapos silang itinuring na may-sala sa pagbitay at paggahasa ng isang 15 taong gulang na Pranses-Suwisong binata sa disyerto sa labas ng lungsod.
Hindi ipinapangalan ang mga suspek o ang biktima dahil sa mga tadhana ng paglilihim sa sistemang pambatas sa Dubai, pero 36 at 18 taong gulang ang mga suspek na hinatulan. May isa pang suspek na menor de edad at ipinaparinig ang kanyang kaso sa isang hukumang pang-kabataan, kung saan maaari rin siyang hatulan ng 10 taong pagkabilanggo. Ang biktima sa kasalukuyan ay nasa Europa para sa kanyang kaligtasan, dahil maaari siyang kasuhan ng paglabag sa batas ng UAE tungkol sa gawaing homosekswal, na labag sa batas doon.
Ang ina ng binata, si Veronique Robert, ay nangangampanya na patibayin ang batas laban sa paggahasang homosekswal dahil sa sitwasyon ng kanyang anak. Isa sa mga suspek sa paggahasa ng binata ay mayroong HIV, o human immunodeficiency virus, isang birus na nagreresulta sa kakulangan ng proteksyong pangkatawan, at sanhi ng AIDS.
Kritikal naman si Robert sa kurso ng buong kaso, lalo na sa kahabaan ng hatol laban sa mga suspek. "Fifteen years is nothing for someone who knew he had Aids," ("Ang labinlimang taon ay wala para sa isang taong may kaalaman na siya'y may AIDS,") tinig niya.
Mga kawing panlabas
[edit | edit source]- Emiratis jailed for raping youth, BBC News, Disyembre 12, 2007