Wn/tl/Batasang Pambansa, niyanig ng pagsabog
Nobyembre 13, 2007
Ang Batasang Pambansa, ang tagpuan ng mga mambabatas ng Republika ng Pilipinas, ay niyanig ng isang pagsabog na dulot ng isang bomba sa pasukang timog ng gusali ng Kapulungan ng mga Kinatawan bandang 8:15 ng araw na iyon.
Dahil sa pagsabog na itong dinulot ng bomba, mayroong apat na taong namatay, kung saan isa ay namatay sa pagamutan, walong sugatan, at ang pagkakabaklas ng bubong ng pasukang timog ng gusali. Itinaas din ng sandatahang lakas at pulisya ang kanilang antas ng kalistuhan sa ganap sa Maynila at mga karatig-lalawigan sa timog at hilaga nito.
Mga namatay at nasugatan
[edit | edit source]Isa sa mga namatay at pinapaniwalaang puntirya ng bomba ayon sa pulisya ay ang Kinatawang Wahab Akbar ng nag-iisang purok ng Basilan. Ang Kinatawan ay namatay sa pagamutan ng Far Eastern University - Nicanor Reyes Medical Foundation[1] sa lungsod ng Quezon ilang oras matapos ang 20:00; ang kanyang pagkamatay ay ipinagluksa ng kanyang mga kaanak at ni Jesus Dureza, ang tagapayo ng Pangulo sa prosesong pangkapayapaang Muslim. Ayon sa pulisya, si Wahab Akbar ang puntirya ng bomba dahil sa pagkakataong nakaparada ang kanyang kotse malapit sa pasukang timog ng gusali, ito rin ang nagtamo ng pinakamalaking pinasala, at ilang haka-haka sa mariing pagkaka-ugnay niya dati bilang isang nakakaraang kasapi, ngunit ayon sa ilan ay malakas pa rin ang pakikipag-ugnayan niya at pagtulong, sa Abu Sayyaf, isang bandidong militanteng grupong ini-uugnay sa Al Qaeda, at mayroon ding ilang nagsasabing siya mismo ang nagtatag ng Abu Sayyaf, bago naging isang kinatawan ng Republika. Ngunit hindi pinapaniwalaan ng mga kaanak ni Wahab Akbar ang kuro-kurong ito ng pulisya dahil sa simpleng dahilan na kung balak man siyang patayin ng bandidong grupo ay dapat ginawa na nila ito noon pa man noong nasa Basilan pa siya.
Ilan pa sa mga namatay ay ang tsuper ng Kinatawang Luzviminda Ilagan na namatay agad-agad pagkasabog ng bomba, Junaskiri Hayudini, isang alalay ni Wahab Akbar, Marcial Talbo, isang kasaping kawani ni Ilagan, at Maan Gale Bustalino, isang alalay ni Pryde Henry Teves.
Ang mga sugatan naman sa pagsabog ay ang Kinatawang Luzviminda Ilagan ng lapiang GABRIELA, at ang Kinatawang Pryde Henry Teves ng ikatlong purok ng Negros Occidental na bumasag ng kanyang mga salamin ng tainga, na tuluyang bumingi sa kanya. Una ring iminungkahi ng kanyang manggagamot na nangangailangan ng pagputol ang kanyang mga binti ngunit binawi rin ang mungkahing ito nang mapagpasiyahan ng kanyang manggagamot na mayroong pang magagawang lunas sa kanyang mga sugatang binting hindi nangangailangan ng alin mang pagputol.
Pinagmulan
[edit | edit source]Ang bomba ay itinanim sa isang motorsiklong ipinarada sa labas ng gusali, at iminungkahi rin mismo ni Jose de Venecia Jr., ang ispiker ng mababang kapulungan, na maaaring isang pinasabog ang bomba nang malayuan. At sinuportahan din ang pahayag na ito ng Panloob na Kalihim na Ronaldo Puno na ayon sa kanya ay pinapakita ng mga paunang pahiwatig na pinasabog nga ang bomba nang malayuan.
Kaugnayan sa iba pang pangyayari
[edit | edit source]Talamak ang maliliit na bombahan at patayang pampulitika sa Timog Luzon ngunit ito ang pinaka-unang pagkakataon kung saan ang pinagsabugan ng bomba ay isang tanggapang pampunong pamahalaan.
Bagaman nangyari ang pambobombang ito at ang hindi masyadong nakakaraang pagsabog ng Glorietta 2, ipinapayo pa rin ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na manatiling mahinahon ang mga mamamayanang Pilipino dito sa Pilipinas at sa ibang mga bansa, at hindi titigil ang pamahalaan hanggang hindi nalulutas ang kasong ito, at hindi nadadakip ang mga may-pakana.
Ayon kay Jose de Venecia, agad na babalik ang mga pagpupulong ng mababang kapulungan kapag pinayagan na sila ng pulisya.
“ | We want to show that we are not afraid. -- Jose de Venecia | ” |
Talasanggunian
[edit | edit source]