Jump to content

Template:Wn/tl/Other news

From Wikimedia Incubator

| width="15%" align="center"| | style="font-family: Verdana, Arial, Helvetica, sans-serif; font-size: 85%; border-top: 0px dashed #AAAAAA;" | MIAA, papalawakin ang mga terminal ng NAIA
Dahil sa tuloy na pagsarado ng ikatlong terminal ng Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino (NAIA), papalawakin na ang dalawang kasalulukuyang gusaling terminal ng paliparan para may kakayahan itong suportahan ang nakikitang pagtaas ng trapiko sa paliparan ngayong taon, ayon sa Pangasiwaan ng Paliparang Pandaigdig ng Maynila (MIAA). (>>Buong kuwento dito) |- | align="center" | | style="font-family: Verdana, Arial, Helvetica, sans-serif; font-size: 85%; border-top: 1px dashed #AAAAAA;" | Alston: "Wala akong dahilan para maging optimista"
Inilarawan ni Philip Alston, ang espesyal na ponente ng mga Nagkakaisang Bansa na tumitingin sa paglalabag ng pamahalaan sa karapatang pantao, na may konting bisa ang kanyang mga rekomendasyon sa pamahalaan kapag walang pagbabago sa bahagi ng militar o kapag walang pasya ang taong-bayan na pilitin magbago ang militar. (>>Buong kuwento dito) |- | align="center" | | style="font-family: Verdana, Arial, Helvetica, sans-serif; font-size: 85%; border-top: 1px dashed #AAAAAA;" | Garci, tatakbo bilang kinatawan ng Bukidnon
Talaga nang tatakbo si Virgilio Garcillano bilang kinatawan ng unang distritong lehislatibo ng lalawigan ng Bukidnon. Tatakbo siya bilang malayang kandidato laban kay Malou Acosta, asawa ng kasalukuyang kinatawan na si Nereus Acosta, at Jose Pancrudo ng Lakas. Pero, hindi sigurado na mananalo siya. (>>Buong kuwento dito) |- | align="center" | | style="font-family: Verdana, Arial, Helvetica, sans-serif; font-size: 85%; border-top: 1px dashed #AAAAAA;" | Pinuno ng oposisyong pampulitika ng Zimbabwe, inaresto
Inaresto muli si Morgan Tsvangirai, ang pinuno ng Movement for Democratic Change (MDC), ang pangunahing oposisyong partido sa Zimbabwe, noong Miyerkules pagkatapos sinalakay ang himpilan ng MDC at kinulong si Tsvangirai sa loob. Ang kanyang detensyon ay nanyari habang pumupulong ang mga pinunong Aprikano sa Tanzania upang resolbahin ang krisis politikal sa Zimbabwe. (>>Buong kuwento dito)