Wp/fil/RAM

From Wikimedia Incubator
< Wp‎ | filWp > fil > RAM
Halimbawa ng writable volatile random-access memory: Synchronous Dynamic RAM modules, na karaniwang ginagamit bilang na main memory sa mga personal computer, workstation, at mga server

Sa siyensiyang pang-kompyuter ang RAM o Random-Access Memory (RAM) ay isang uri ng storage data ng computer. Sa ngayon, ito ay nasa anyo ng mga integrated circuit na nagpapahintulot sa naitagong data na ma-access sa kahit anong ayos, na may worst-case performance ng constant time. Kung mahigpit ang magiging batayan, ang mga modernong klase ng DRAM ay hindi random access, dahil binabasa nito ang data ng bugsuan, gayumpaman, nanatiling DRAM/RAM na lamang ang pagtukoy sa mga ito. Ngunit, maraming klase ng SRAM, ROM, OTP and NOR-Flash ay random access pa rin, sa mahigpit na pagpapalagay. Ang RAM ay karaniwang nauugnay sa mga volatile (madaling mawala) na klase ng memory (gaya ng mga DRAM memory module), kung saan ang nakatabing impormasyon ay nawawala kapag tinanggal ang power. Maraming klase ng mga non-volatile memory ay RAM din, kagaya ng karamihan sa mga klase ng ROM at isang klase ng flash memory na tinatawag na NOR-Flash. Ang mga unang RAM module na lumabas sa merkado ay ginawa noong 1951 at ibinenta hanggang huling bahagi ng dekada ng 1960 hanggang unang bahagi ng dekada ng 1970.

Ang iba sa mga memory device (magnetic tape, disks) ay nakaa-access lamang ng storage data sa nauna nang napasyahang ayos. Ito'y dahil na rin sa limitasyon ng disenyong mekanikal nito.