Wp/fil/Maynila

From Wikimedia Incubator
< Wp‎ | filWp > fil > Maynila
Jump to navigation Jump to search

Ang Maynila /may·ni·là/ (Ingles: Manila) ay ang kabiserang lungsod ng Pilipinas. Isa rin ito sa mga bumubuong lungsod at bayan ng Kalakhang Maynila. Matatagpuan ang Maynila sa silangang baybayin ng Look ng Maynila at kahangganan nito ang mga lungsod ng Navotas at Caloocan sa hilaga; Lungsod Quezon sa hilagang-silangan; San Juan at Mandaluyong sa silangan; Makati sa timog-silangan, at Pasay sa timog.

May 1,652,171 katao ang Maynila ayon sa pinakahuling census noong 2010.[1] Ito ang ikalawang pinakamataong lungsod sa Pilipinas, kasunod ng Lungsod Quezon. May lawak lamang na 38.55 kilometrong parisukat ang lungsod, kaya't ito ay isa sa mga pinakasiksikang lungsod sa buong mundo.[2]

Etimolohiya[edit | edit source]

Hinango ang pangalan ng Maynila mula sa halamang nilad (Scyphiphora hydrophyllacea) na dating saganang tumutubo sa lugar ng ngayo'y Intramuros kung saan nagsimula ang lungsod.

Heograpiya[edit | edit source]

Kasaysayan[edit | edit source]

Bago pa man dumating ang mga Español sa Pilipinas, isa nang

Pamahalaan[edit | edit source]

Gaya ng iba pang lungsod sa Pilipinas, ang alkalde ang nagsisilbing punong ehekutibo ng lungsod.

Tagapagbatas[edit | edit source]

Ang Sangguniang Panlungsod ng Maynila ay binubuo ng 36 na halal na mga konsehal — anim sa bawat distritong pambatas, at dalawang ex-officiong konsehal mula sa Liga ng mga Barangay at Pederasyon ng Sangguniang Kabataan ng Maynila. Nagsisilbi bilang tagapangulong opisyal ang Bise Alkalde na walang kapangyarihang bumoto, maliban kung kailangan niyang baliin ang patas na boto ng sanggunian.

Barangay[edit | edit source]

Nahahati ang Maynila sa 897 barangay.


Sanggunian[edit | edit source]

  1. (en) "2010 Census of Population and Housing: National Capital Region." National Statistics Office. Web. 02 Ago. 2012.
  2. (en) "World's Densest Cities." Forbes. Forbes Magazine, n.d. Web. 03 Aug. 2012.