Wp/fil/Kanal Suez

From Wikimedia Incubator
< Wp‎ | filWp > fil > Kanal Suez
Jump to navigation Jump to search
Kanal Suez, tanaw mula sa Earth orbit, NASA.

Ang Kanal Suez o Suez Canal (Arabo: قناة السويس, Qanā al-Suways) ay isang malaking artipisyal na kanal sa Egypt, na nasa kanluran ng Tangway Sinai. Ito ay may habang 163 km at lapad na 300 m sa pinakamakitid nitong bahagi. Ito ay tumatakbo mula sa Puwerto Said (Būr Sa'īd) sa Dagat Mediterranean at Suez sa Dagat Pula.

Ang kanal ay nagpapahintulot ng salubungang transportasyong pantubig, lalong-lalo na sa pagitan Europa at Asya na hindi na kinakailangang ikutin ang Africa. Bago ito mabuksan noon 1869, ang mga kalakal ay malimit na ibinababa pa ng mga barko at ibinibiyahe palupa sa pagitang ng Mediterranean at Dagat Pula.

Ang kanal ay binubuo ng pitong bahagi, hilaga at timog ng Lawang Great Bitter, dinudugtong ang Dagat Mediterranean sa Golpo ng Suez sa Dagat Pula.