Wp/fil/DRAM

From Wikimedia Incubator
< Wp‎ | filWp > fil > DRAM
Karaniwang DRAM package. Mula sa taas-pababa: DIP, SIPP, SIMM (30-pin), SIMM (72-pin), DIMM (168-pin), DDR DIMM (184-pin).

Ang DRAM o Dynamic Random-Access Memory ay isang klase ng random-access memory na nagtatabi ng bawat bit ng data sa hiwalay na capacitor sa loob ng isang integrated circuit. Ang capacitor ay maaring may charge o na-discharge. Ang dalawang estadong ito ng capacitor ay kumakatawan sa dalawang value ng isang bit, na karaniwang tinutukoy na 0 at 1. Sa kadahilanang tumatagas ang charge ng capacitor, ang impormasyon dito ay kalaunang nawawala, maliban na lamang kapag ang charge nito ay parating na re-refresh. Dahil sa pangangailangan nitong ma-refresh kaya ito ay dynamic (parating gumagalaw) na memory, di-gaya ng SRAM at iba pang static (di-gumagalaw) na memory.

Ang pangunahing memory (RAM) sa mga personal computer ay Dynamic RAM (DRAM). Ito ang RAM sa mga laptop, notebook at workstation na mga computer, pati na rin sa mga pambahay na game console (Playstation3, Xbox 360 at Wii).

Ang kainaman ng DRAM, ay ang simpleng disenyo nito. Isang transistor at capacitor lamang ang kinakailangan nito bawat bit, kumpara sa anim na transistor na kinakailangan sa SRAM. Ito'y nagpapahintulot na umabot sa matataas na density ang DRAM. Di-tulad ng flash memory, ang DRAM ay volatile memory, dahil nawawala agad ang data nito kapag nawala ang power. Ang mga transistor at capacitor na ginagamit dito ay sobrang liit, bilyun-bilyon ang nagkakasya sa isang memory chip.