Wn/tl/Wikinews:Misyon
Na mag-presenta ng makasalukuyan, makagagaan, maka-balita at nakakaaliw na nilalaman nang walang kinikilingan
[edit | edit source]Ang Wikinews ay nagtataguyod ng ideya ng partisipatoryong pamamahayag dahil sa paniniwala na ang mga mamamayan ay may-alam kung ano ang balita na hindi tulad sa iba. Iniimbita ka namin sa sumali sa pagpupunyaging ito, at humati ng balita na may interes sa iyo.
Ang proyektong Wikinews ay isang pinagmulan ng balita na may malayang nilalaman ng Pundasyong Wikimedia na gustong maglaan ng kontento kung saan ang lahat ay iniimbitang mag-ambag ng mga ulat tungkol sa mga pangyayaring malaki o maliit, kahit kung mula sa direktong pinagdadaanan, o ibinuod mula sa ibang lugar. Ang Wikinews ay nakatatag sa ideyang gumawa ng isang nag-iisang kalikasang pambalita upang payamanin ang tanawing pang-midya.
Ang paggamit ng Wikinews ay umaabot sa kabila ng orihinal na ulat sa paraan ng pagbibigay ng malaya, walang kinikilingan at integradong buod ng mga balita mula sa ibang lugar. Magagamit na rin ito kahit kung ang paksang tinututukan ay magiging puno ng butas—dahil sa mga ganitong paksa, makakabenepisyo na tayo mula sa kolaboratibong modelo ng wiki. Tutubo ito para mas magagamit ito araw-araw.
Habang ang Wikinews ay pumapakay na, sa kinabukasan, maging sariling magagamit na dagisunan, ito rin ay maglalaan ng alternatibo sa mga propriyetaryong ahensiyang pambalita tulad ng Associated Press o Reuters. Ibig sabihin nito ay ito ay makakapayag ng malayang midya na kumuha ng isang agos ng balita na may mataas na kalidad sa paraang libre para makadagdag sa kanilang sariling pag-uulat. Salamat sa copyleft, sinuman ay maaaring lumikha ng kanilang sariling libreng mapagkukunan ng balita—kahit ang isang may kinikilingan—sa basehan ng gawang ito.
May maraming pagsubok. Pinagtitibayan ng Wikinews ang mga masusing alituntunin na naging batayan sa kasalukuyang kalagayan ng Wikipedia at ng ibang mga websayt ng mga proyektong Wikimedia: walang kinikilingan, malayang-nilalaman at bukas na proseso sa pagdedesisyon.