Wn/tl/Napoles, Enrile, Revilla, atbp, pinagbawalang mangibang bansa

From Wikimedia Incubator
< Wn‎ | tl
Wn > tl > Napoles, Enrile, Revilla, atbp, pinagbawalang mangibang bansa

18 Hunyo, 2014

Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pagbabawal sa pangingibang bansa (hold departure order) laban sa sa mga Senador Juan Ponce Enrile, Ramon "Bong" Revilla, sa utak ng iskandalo sa pork barrel na si Janet Lim-Napoles, at ang ibang mga kasabuwat kaugnay ng mga kaso na ipinaratang sa kanila dahil sa paglustay ng PhP10 bilyon sa pondo ng publiko.

Ang nagbigay ng pagbabawal sa pangingibang bansa laban kay Revilla ay ang Unang Dibisyon ng korte kontra pangunguwalta, na nauna nang pinagtibay ang mga kasong pandarambong at pangunguwalta laban sa kaniya.

Samantala, ang Pangatlong Dibisyon naman ang naglabas ng kautusan ng pagbabawal sa pangingibang bansa laban kay Enrile at sa kaniyang dating chief of staff na si Atty. Jessica "Gigi" Reyes, kasama na rin dito si Napoles at ang 45 iba pang kasangkot sa nasabing iskandalo.

Nauna nang naglabas ang Ikalimang Dibisyon ng kapareho ding kautusan laban kay Senador Estrada at ang mga kasabuwat niya.

Iginiit ng pinuno ng Tanggapan ng Pangulo sa Pagpapalakad sa Komunikasyon (Presidential Communication Operations Office, PCOO) na si Herminio Coloma Jr sa isang pagpupulong ng mga mamamahayag na ito ay isa lamang bahagi ng proseso ng hukuman.

"'Yan din po ay bahagi ng kapangyarihan at pagpapasya ng hukuman," ayon sa kaniya.

Ayon sa panayam sa telebisyon, pinahayag ni Revilla na mananatili siya sa bansa para harapin ang mga kaso ng pandarambong at pangunguwalta. Inakusahan siya sa pagtanggap ng mga kickback mula sa kaniyang alokasyon ng Priority Development Assistance Fund (Prayoridad na Pondo para sa Pagtulong sa Paglago, PDAF) na sinasabing nagpondo sa mga multong proyekto ng mga NGO ni Napoles.

Kasabay ng kaniyang pagtanggi sa mga paratang sa kaniya, dinagdag pa niya na biktima siya ng kampanya para siya ay sirain.

Kasama sa mga binigyan ng pagbabawal sa pangingibang bansa ang iba pa niyang kasabuwat sa kaso ng pandarambong, kasama ang kaniyang tauhan na si Richard Cambre, pamangkin ni Napoles na si Ronald John Lim, at ang kaniyang tsuper na si John Raymund De Asis.

Ang iba pang mga kasabuwat ni Revilla na nabigyan ng pagbabawal sa pangingibang bansa ay ang mga sumusunod:

  1. Undersecretary Mario Relampagos ng Kagawaran ng Pagbabadyet at Pamamahala
  2. Rosario Nuñez ng Kagawaran ng Pagbabadyet at Pamamahala
  3. Lalaine Paule ng Kagawaran ng Pagbabadyet at Pamamahala
  4. Marilou Bare ng Kagawaran ng Pagbabadyet at Pamamahala
  5. Antonio Ortiz, Direktor Heneral ng Sentro ng Pagkukunan ng Teknolohiya (Technology Resource Center)
  6. Dennis Cunanan, Diputadong Direktor Heneral ng Sentro ng Sentro ng Pagkukunan ng Teknolohiya
  7. Francisco Figura, Dating Tagapamahala ng Pangkat ng Technology Resource Center
  8. Ma. Rosalinda Lacsamana, ng Sentro ng Sentro ng Pagkukunan ng Teknolohiya
  9. Marivic Jover ng Sentro ng Sentro ng Pagkukunan ng Teknolohiya
  10. Myla Ogerio
  11. Eulogio Rodriguez
  12. Laarni Uy
  13. Consuelo Lilian Espiritu
  14. Evelyn De Leon
  15. Allan Javellana
  16. Rhodora Mendoza
  17. Encarnita Munsod
  18. Maria Julie Villaralvo-Johnson
  19. Victoria Roman Cacal
  20. Maria Nines Guanizo
  21. Gondelina Amata
  22. Emmanuel Alexis Sevidal
  23. Ofelia Ordonez
  24. Sofia Cruz
  25. Chita Jalandoni
  26. Gregoria Buenaventura
  27. Jocelyn Piorato
  28. Evelyn Sucgang

Ang mga humahawak sa kasong pandarambong at pangunguwalta ni Revilla ay ang Katuwang na Mahistrado Efren dela Cruz, kasama ang iba pang mga Katuwang na Mahistrado si Rodolfo Ponferreda at Rafael Lagos bilang kasapi.

Samantala, ang hahawak sa kaso ni Enrile ay ang Ikalimang Dibisyon na pinamumunuan ni Katuwang na Mahistrado Roland Jurado, kasama si Katuwang na Mahistrado Alexander Gesmundo bilang kasapi.

Ang hahawak sa kaso ni Enrile ay ang Ikatlong Dibisyon na pinamumunuan ng Tagapangulong Mahistrado ng Sandiganbayan na si Cabotaje Tang.

Sanggunian[edit | edit source]