Wn/tl

From Wikimedia Incubator

< Wn
Jump to: navigation, search

Maligayang pagdating sa Wikinews

Ang malayang pinagmulan ng balitang maaari mong sulatan!

Sunday, May 18, 2008, 06:02 (UKO)

Tumingin sa mga artikuloIsinalitang EdisyonInimprentang EdisyonRSS ng WikinewsLumahokUmulat ng Maiinit na BalitaPinakamagaling ng WikinewsSilid-balitaTulong

Sa ulo ng balita

PNP, inilabas na ang opisyal na ulat sa pagsabog sa Glorietta 2

Noong Oktubre 19, 2007, isang malakas na pagsabog ang naganap sa Glorietta 2. Noong una, kahit ang pulisya mismo, ay nagsasabing ito ay isang pambobombang dulot ng mga terorista ngunit ngayon inalis na ng pulisya nang tuluyan ang anggulong ito. Ngayong Enero 10, inilabas na ng Multi-Agency Investigation Task Force, ang itinalagang magsiyasat sa pagsabog, ang kanilang pangwakas na opisyal na ulat ukol sa pagsabog sa Glorietta 2. Sa ulat na ito, tinuturo ng pulisya ang pagsasawalambahala ng ilang (mga) partido. Maraming nagsasabi na ang ulat na ito ay hindi totoo, at pumapanig para sa pamahalaang Arroyo kaya hindi itinuturo ng pulisya ang pagsabog sa mga terorista. Kung ginawa nila ito ay ipapakita lamang nito na mahina ang kaligtasan na ipinapaabot ng pulisya at pamahalaan. Bagaman dito mariin pa ring iginigiit ng Ayala Land Inc., ang kompanyang may-ari ng Glorietta 2, na ang pagsabog ay dulot ng isang bomba. At sa panig na ito, marami ring nagsasabi na kaya lamang ito iginigiit ng Ayala ay dahil kundi nila ito gagawin ay sila ang sasakdalin at ituturo sa pagsabog ng Glorietta 2. At dahil nga sa ulat, nagsakdal ng 15 tao, kasama roon ang ilang manggagawa ng Glorietta 2, Ayala at Makati Supermarket, ang nangungupahan sa Glorietta 2, ang pulisya.

>>Buong kuwento dito

Mga nakaraang balita

Setyembre 13

>>Arkibo

Lumikha ng bagong artikulo



Nagbabagang balita
Trak, bumunggo sa isang panghati ng daan

Sa isang salikop ng Lansangang-bayan ni Emilio Aguinaldo, malapit sa nayon ng Via Verde, sa Baranggay San Agustin II, Dasmariñas, Kabite, bumunggo ang isang malaking trak na mayroong sampung gulong sa isang panghati ng daan sa nasabing lansangang-bayan bandang 5:30. (>>Buong kuwento dito)

Batasang Pambansa, niyanig ng pagsabog

Ang Batasang Pambansa, ang tagpuan ng mga mambabatas ng Republika ng Pilipinas, ay niyanig ng isang pagsabog na dulot ng isang bomba sa pasukang timog ng gusali ng Kapulungan ng mga Kinatawan bandang 8:15 ng araw na iyon. Dahil sa pagsabog na itong dinulot ng bomba, mayroong apat na taong namatay, kung saan isa ay namatay sa pagamutan, walong sugatan, at ang pagkakabaklas ng bubong ng pasukang timog ng gusali. Itinaas din ng sandatahang lakas at pulisya ang kanilang antas ng kalistuhan sa ganap sa Maynila at mga karatig-lalawigan sa timog at hilaga nito. (>>Buong kuwento dito)


Ulat-panahon
Lugar °C Kalagayan Lugar °C Kalagayan
Maynila 24-32 Dabaw 25-32
Cebu 24-29 Zamboanga 25-31
Sumang-ayon sa paglikha ng Tagalog Wikinews!

Kung nais niyong lumahok sa pagsulong ng Tagalog Wikinews, maaari na kayong lumagda sa Meta-Wiki. Maaari na rin kayong mag-ambag ng iyong mga kontribusyon sa minumungkahing proyekto na ito!

Tungkol sa Wikinews
Logo ng Wikimedia
Isang proyektong Wikimedia

Kami ay isang grupo ng mga boluntaryo kung saan ang aming misyon ay mag-presenta ng balitang makasalukuyan, makagagaan, nakakaaliw at may walang kinikilingan.

Lahat ng nilalaman ay ipinapamahagi sa ilalim ng malayang lisensya. Sa pagpagawa ng aming nilalaman bilang nilalamang napapakinabangan sa walang-katapusan na pag-uulit na pamamagamit at paggamit, inaasa naming umambag sa isang pandaigdigang karaniwang digital.

Ang mga kuwento ng Wikinews ay sinusulatan mula sa isang tinging walang kinikilingan para masigurado ang pag-uulat na patas at walang kinikilingan.

Kailangan ka ng Wikinews! Gusto naming gumawa ng isang sari-saring komunidad ng mga mamamayan mula sa iba't-ibang bahagi ng daigdig na nakikipagtulong mag-ulat sa isang malawak na pagkakaiba't iba ng kasalukuyang pangyayari.

Para makabigay sa pag-uulat sa Wikinews, basahin ang Pagpapakikala sa Wikinews at bisitahin ang Silid-balita.


Wikinews sa ibang wika

Mga kaugnay na proyekto

Wikipedia
Ang malayang ensiklopedya
Wiktionary
talatinigan at talasalitaan
Wikibooks
Mga malayang aklat at manwal
Wikiquote
Kalipunan ng mga pagbanggit
Wikisource
Malayang pagkukunan ng mga dokumento
Wikispecies
Talatinigan ng mga species
Commons
Binabahaging repositoryong pang-midya
Meta-Wiki
Koordinasyon para sa proyekto ng Wikimedia
Personal tools